Home » Entertainment » Boys, bakit kaya natotorpe?

Boys, bakit kaya natotorpe?

sept6 fashionpulis

Lagi na lang natin pinag-uusapan ang wildlife. Maiba naman. Let’s talk heart-to-heart. Remember: use your ears not just to hear. Listen. There’s a difference (and it’s not just in spelling).

Pakikinig at pag-uunawa.‘Yan ang tamang tandem.

Ang mga lalaki ay likas na torpe. Kahit ‘yung mukhang pinakamayabang pa, nag-iiba at lumalabas din ang kahinaan niya ‘pag nabighani ng babaeng hinahangaan niya. Lahat naman tayo nagkaroon nang crush, ‘di ba?

Minsan kahit ang pinaka-confident na manliligaw, hindi lang halata pero nahihiya rin ‘yan o ‘di mapakali. *cue bg music Tuliro by Spongecola*

Ano’ng nadarama tuwing makikita kang dumarating?

Tuliro, ‘di malaman ang gagawin

TRIVIA PA MORE (Various Sources): Santol is a common craving among pregnant women.

* * *

Rats consume any available food when starved – poison baits included.

* * *

Kaong, aside from being an ingredient in our Filipino favourite halo-halo (lalo na this summer), is also a component in vinegar production.

* * *

#speaKIMof
A netizen asks:Kuya Kim, ano’ng tulong ng wingman sa pag-approach ko sa babae?

I say:

1. Mas malakas ang loob mo ‘pag may tropa ka. ‘Yan ang tamang peer pressure, ‘di drugs.

2. Moral support (para sa corny jokes mo). Kahit ‘di nakakatawa, hahalakhak ‘yan.

3. Mas mukha kang katiwa-tiwala ‘pag may kasama kang mga kaibigan kaysa ‘pag mag-isa ka.

4. According to research, pumopogi ka ‘pag may kasama. ‘Wag mo lang itatabi sa’yo si Piolo, makukumpara. Mabubuking ka e.

See also: Gong Yoo and I ‘pag pinagtabi, parang before and after. Kim Shin, do you see your future?

* * *

Watch my full video titled “Kuya Kim on the Real Reason Why You Miss Your Ex” with NoInk on ABS-CBN Lifestyle channel: https://www.youtube.com/watch? v=oF4_bFYBXB0

* * *

May bumabagabag ba sa isip mo? Send in your questions and thoughts for discussion on noink.abscbn@gmail.com!

* * *

Keep tweeting @kuyakim_atienza.

Lahat aalamin, walang ‘di susuungin.Matanglawin! Want your questions featured? Tweet @kuyakim_atienza now!
(KIM ATIENZA)

comments