Home » Entertainment » Marian-Heart fans, may bagong intriga

Marian-Heart fans, may bagong intriga

22marian instagram copy

Mukhang may panibagong intriga na namang mamumuo kina Marian Rivera at Heart Evangelista. Mukhang magpapatutsadahan na naman ang kanilang respective fans.

Bukod kasi sa isang fantaseryeng kinabibilangan ni Heart, balitang may isa pang project na pagbibidahan niya sa GMA7.

“My Korean Jagiya” ang working title nito. Sweetheart ang ibig sabihin ng jagiya sa lengguwaheng Korea.

Meron pang weekly show si Heart, “Follow Your Heart” every Sunday kung saan sumasabak sa iba’tibang challenges ang Kapuso stars na guests niya.

Si Marian naman ay nasa “Sunday Pinasaya” at host ng “Tadhana” na tungkol sa kuwento ng mga OFW ang hatid every Saturday. May isa pa siyang upcoming show, “The Good Teacher.”

Tanong ng kanyang fans, kalian naman nila mapapanood ang kanilang idolo sa isang bonggang serye ? Nag-guest lang siya sa katatapos na “Encantadia.” Si Heart ay tampok sa big-budgetted GMA fantaserye, “Mulawin Vs. Ravena.” Hindi siya nainterbyu ng press noong presscon dahil tumakas siya pagkatapos ng press presentation. Umiwas kaya siyang matanong tungkol sa intriga sa kanila ni Marian?

Patutsada ng fans ni Heart, hindi na bagay kay Marian ang bansag na Kapuso Primetime Queen dahil wala naman siyang primetime series.

comments