Home » News » News Roundup » Babae patay sa pamamaril

Babae patay sa pamamaril

Patay ang isang 43-taong gulang na babae matapos barilin ng isang hindi kilalang salarin sa harap ng isang tindahan sa San Andres Bukid, Manila, Miyerkules ng gabi.

Bumibili ng softdrinks si Carmencita Cuison, 43, residente ng 2440 Onyx Street, sa tindahan nang lapitan siya ng isang armadong lalaki at barilin siya ng dalawang beses sa ulo dakong 7:15 p.m.

Naglakad lamang palayo ang suspek patungong Estrada Street matapos ang pamamaril.

Isinugod si Cuison sa Sta. Ana Hospital ng kaniyang live-in partner ngunit namatay siya dakong 8:15 p.m..

Wala pang malinaw na motibo ang pagpatay dahil ayaw magbigay ng impormasyon ang mga testigo sa takot na balikan sila ng suspek. Patuloy na sinisiyasat ng police ang insidente. (Jaimie Rose R. Aberia)

comments