Home » Entertainment » Kris, nasorpresa sa kanyang birthday

Kris, nasorpresa sa kanyang birthday

KRIS-BERNAL2-copy-399x600

KRIS Bernal turned 28 on May 17. Walang bonggang birthday celebration. Isang videoke party ang naganap kasama ang kanyang fans.

Bilang pasasalamat na rin ni Kris ang birthday treat niya sa kanyang fans na walang sawang sumusuporta sa kanya. Ten years na siya sa showbiz at patuloy na nadaragdagan ang kanyang fans and supporters.

Nakipag-jamming si Kris sa kanyang fans sa pagkanta. Nakipag-biruan, nakipagkuwentuhan. Nag-enjoy at tuwang-tuwa ang kanyang fans na nakapiling nila ang kanilang idolo sa mismong kaarawan nito.

Walang special guest si Kris. Pero nasorpresa siya sa nakita niyang punung-punong mga paborito niyang bulaklak ang compartment ng kanyang sasakyan.

Speechless ang petite Kapuso star at kilig-kiligan siya. Palaisipan kung sino ang nagpadala kay Kris ng mga bulaklak.

Galing kaya ‘yun sa manliligaw niyang businessman? O, kay Rafael Rosell na leading man niya sa upcoming GMA Afternoon prime series na “Impostora”? May pakiyeme si Kris na kinikilig siya kay Rafael at guwapong-guwapo siya sa aktor.

comments