Home » Entertainment » Kathryn-Nadine fans, nagbabangayan

Kathryn-Nadine fans, nagbabangayan

31nadine instagram copy

NAGBABANGAYAN na naman ang respective fans nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre. Inaakusahan ng Nadine fans na gaya-gaya raw si Kathryn kay Nadine dahil nagtayo rin ito ng nail spa business.

Kamakailan ay ginanap ang blessing nito na matatagpuan sa isang mall sa QC. Ayon sa Nadine fans, naunang nagkaroon ng nail spa business ang kanilang idolo.

Anila pa, marami namang pagpipiliang business, bakit ginaya pa ni Kathryn si Nadine? Pwede raw namang food business, clothing (RTW), or hair and make-up salon ang itayo ni Kathryn.

Katwiran ng Kathryn fans, mahilig magpa-nail service ang kanilang idolo. Kaya nararapat lamang na pasukin ni Kathryn ang gano’ng business. Inaabangan din kung kaninong business ang magtatagumpay. Kay Kathryn ba o kay Nadine?

Sa totoo lang, ka-cheap-an ang isyu ng fans ng dalawang Kapamilya actress. Suportahan na lang kaya nila ang business ventures ng kanilang respective idols para maging successful ang mga ito? Wala nang basagan ng trip.

Samantala, kung may upcoming teleserye si Kathryn with her perennial partner, Daniel Padilla titled “La Luna Sangre,” “nganga” naman ang JaDine love team nina James Reid at Nadine Lustre. Pahinga muna sila sa paggawa ng teleserye. Huli silang napanood sa “Till I Met You.”

comments