Home » News » News Roundup » Fetus in a shoe box

Fetus in a shoe box

Isang fetus ang natagpuan na nakalagay sa isang shoe box na noong una’y inakalang naglalaman ng bomba sa Barangay Kabayanan, San Juan City.

Itinawag ng concerned residents sa Tactical Operation Room ng San Juan Police ang nakitang shoe box dakong 6 a.m. sa A. Bonifacio Street malapit sa Sanctuario de Santo Kristo.

Sinabi ni Senior Supt. Laawrence Coop, chief ng San Juan City Police, na kaagad na rumesponde ang miyembro ng Explosive Ordnance Division (EOD) na gumamit ng water disruptor para malaman kung bomba nga ang laman ng shoe box.

Nang buksan ng bomb experts ang kahon, nakita nilang fetus ang laman nito. Dinala ng mga pulis ang fetus sa isang pare para mabasbasan bago ilibing nang maayos. (Madelynne Dominguez)

comments