Home » News » News Roundup » Sekyu, sugatan sa accidental shooting

Sekyu, sugatan sa accidental shooting

Isinugod sa ospital ang isang security guard matapos na aksidenteng pumutok ang kaniyang baril habang naka-duty sa isang warehouse sa Tondo, Manila, noong Martes.

Ayon sa police report, under observation pa rin sa Ospital ng Maynila si Mark Jay Arellano, 25, residente ng Old Torres Street, Tondo.

Base sa investigation, nagbabantay si Arellano dakong 9 p.m. sa Hans Infinite Toolhouse sa Capulong Street nang biglang mahulog sa sahig ang kaniyang baril na inilapag niya sa lamesa. Pumutok ang baril at tumama ang bala sa kaliwang bahagi ng kaniyang tiyan.

Kaagad na isinugod si Arellano sa Ospital ng Tondo, ngunit inilipat siya sa Ospital ng Maynila.
(Jaimie Rose R. Aberia)

comments