Home » Entertainment » Bea Binene, alone but not lonely

Bea Binene, alone but not lonely

NO lovelife pa rin si Bea Binene matapos silang mag-break ni Jake Vargas three years ago. Almost three years din ang on-and-off relationship nila ni Jake, ayon sa Kapuso tweenstar.

Ayon kay Bea, may mga nagpaparamdam, pero ayaw pa niyang pumasok sa panibagong relasyon after Jake. “Na-a-appreciate ko ngayon ang pagiging single. Hindi ako nagmamadaling magka-boyfriend. Nineteen years old pa lang ako ngayon. Enjoy-enjoy lang muna sa pagiging single. Mas masaya. Wala akong dapat pagpaalaman kapag may gusto akong puntahan. Walang magseselos. Cool lang,” lahad ni Bea sa isang pakikipagtsikahan with her.

Ayon pa sa star ng “Mulawin vs. Ravena,” okey naman sila ni Jake matapos sila mag-break. Civil sila sa isa’t isa kapag nagkikita sila. Nag-guest nga ito sa isang show niya noon at nag-guest din siya sa isang show ni Jake, ani Bea.

“Hi! and Hello! lang kami kapag nagkikita. Walang mahabang usapan,” sabi ni Bea.

Aniya, naka-move on na siya sa hiwalayan nila ni Jake. No more heartaches. No more pain. No more bitterness.

Aware si Bea na girlfriend ngayon ni Jake s Inah de Belen. Aniya, nagkita sila sa isang event. Lumapit sa kanya si Inah at ang handler nito at ipinakilala sila sa isa’t isa. “Okey siya (Inah). I’m happy for her and Jake,” pagtatapos ni Bea.

comments