Home » Headlines » Drug suspect patay sa gunfight

Drug suspect patay sa gunfight

Patay ang isang lalaking nasa drug watchlist matapos manlaban sa mga pulis na nagsagawa ng entrapment operation sa Sta. Cruz, Manila, noong Miyerkules ng hapon.

Ayon sa mga imbestigador, pinaputukan ni Mar Salazar, residente ng Blumentritt Street, Sta. Cruz district, ang anti-narcotics police nang matunugan niyang nakikipag-deal siya sa isang undercover police officer.

Base sa initial investigation, naglunsad ang drug enforcement unit of Sta. Cruz Police Station ng isang buy-bust operation para madakip si Salazar sa P. Guevarra Street dakong 4:30 p.m.

Nang malaman niyang isang entrapment operation ang nagaganap, bumunot ng .38-caliber revolver si Salazar at pinaputukan ang mga alagad ng batas.

Gumanti ng putok ang mga operatiba at tinamaan ang suspect.

Namatay si Salazar habang isinusugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center. (Analou de Vera)

comments