Home » Entertainment » Regine, stage stepmom

Regine, stage stepmom

2regine n leila instagram copy

SA third week pa ng “Mulawin vs. Ravena” lalabas ang karakter ni Bea Binene bilang Anya na aniya, napi-pressure siya.

Marami kasi ang pumupuri sa galing umarte ng batang lumalabas bilang Anya na si Leanne Bautista.

“Nakaka-pressure. Nababasa ko ang comments sa social media na sana raw ay magaling din ang performance ko,” sabi ni Bea sa pocket interview with her.

Anak siya nina Carla Abellana (as Aviona) at Tom Rodriguez (as Rodrigo) sa MVR. Nakakailang taping days pa lang si Bea na aniya, enjoy siya kapag naka-harness at lumilipad sa mga eksena niya. Looking forward siya sa fight scenes dahil magagamit niya ang kaalaman niya sa wushu. Lumalaban nga si Bea sa mga tournament.

Napanood niya ang original version ng “Mulawin” at favorite character niya si Alwina (played by Angel Locsin). Happy siya na kasama siya sa sequel ng MVR.

Si Derrick Monasterio (as Almiro) ang love interest ni Bea sa MVR at makaka-love triangle nila si Kiko Estrada (as Rafael).

“Sila” na ba ni Derrick? “Hindi!” bulalas ni Bea. “Close friends lang kami. Nanligaw siya noong nagkasama kami sa ‘Tweenhearts’. Kinilig ako.”

Binasted mo raw siya? “Hindi, ah! Sinyobis niya lang ako. Hindi naman siya seryoso noon. Mga bata pa kasi kami noon.”

Kung seseryosohin na niya ngayon ang panliligaw? “Depende. Baka pwedeng maging kami. Open naman ako sa possibility,” sambit ni Bea.

Proud stepmom

Sobrang proud stepmom si Regine Velasquez kay Leila Alcasid, anak ng husband niyang si Ogie Alcasid sa first wife nitong si Michelle Van Eimeren. Supportive ang Asia’s Songbird at star ng “Mulawin vs. Ravena” kay Leila na sinasamahan niya ito sa photo shoots at TV guestings. Mistulang stage stepmom si Regine.

Gandang-ganda siya kay Leila na post niya sa social media, “Hala! Bat sobrang ganda? Manang-mana sa nanay.” Nilinaw ni Regine na natural ang ganda ng mga mata ni Leila. Walang colored contact lens.

May warning pa siya sa mga gustong manligaw kay Leila. Istrikto raw si Ogie, kaya good luck na lang!

Samantala, ano na kayang mangyayari sa MVR na gagamitin na ni Daragit (Roi Vinzon) ang propesiya ni Sandawa (Regine V.) upang takutin ang mga kalahi? Simula na kaya ng labanan ng mga Mulawin at Ravena?

comments