Home » Entertainment » Dating sexy star Via Veloso emosyonal kay Karla

Dating sexy star Via Veloso emosyonal kay Karla

7via n karla copy

NAPAIYAK at naging emosyonal ang dating sexy star na si Via Veloso nang magpasalamat siya sa kanyang pinsan at isa sa “Magandang Buhay” hosts na si Karla Estrada. Kabilang daw si Karla sa mga tumulong sa kanya para makabalik sa showbiz. Malaki rin daw ang naitulong ng pinsan niya sa kanya lalo na ngayong solo parent siya sa kanyang 14-year old na anak na si Jacob.

“Super thankful talaga ako. Kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ako makakabalik (sa showbiz). At saka generous talaga siya. Hindi mo kailangang sabihin sa kanya, kusa na siyang mag-aano (tutulong),” sabi ni Via nang maging guest siya sa Tacloban trip, na bahagi ng first anniversary special ng “Magandang Buhay”.

Ano ang relationship nila ngayon ni Karla? “Para ko na siyang nanay, kasi dalawa na lang kami ng anak ko,” saglit na napahinto si Via dahil hindi na niya napigilang mapaluha. Pagpapatuloy niya, “Siyempre mahirap ‘yung dalawa lang, di ba? Wala kayong mapuntahan, lalo na kapag may special occasion. Tapos kapag nasa bahay kami nila sobrang saya kasi ang dami nila. ‘Yung anak ko nagkaroon ng kalaro, nagkaroon siya ng mga pinsan. So, talagang happy kami ng anak ko.

Kasi kung hindi namin siya (nakasama), talagang boring ang life namin.”

Nakilala si Via sa pelikulang “Isla” (1996). Pero ang paborito niya raw movie ng pinsan ay ang “Hiling” ng Star Cinema (1998) kasama ang mga bata pa noong sina Camille Prats, Shaina Magdayao, at Serena Dalrymple. Naging si Via si Ogie Diaz sa pelikula nang hilingin ng huli na maging babae.

Pero huminto si Via sa pag-aartista para alagaan ang may sakit na ina. “Yung mommy ko kasi nagkasakit, stage 4 breast cancer siya. Ako ang nag-alaga. Tapos noong namatay, unti-unti nagpa-handle ako kay Mama Ogie (Diaz). Ngayon naman tinulungan din ako ni Ate Karla kahit paano na makabalik sa showbiz.”

Tuluyan na ngang nakabalik sa showbiz si Via at nakagawa ulit ng mga pelikula at TV shows. Napabilang siya sa dating ABS-CBN teleseryeng “Maria Mercedes”. Ngayon ay napapanood siya sa teleseryeng “A Love To Last”. (Glen P. Sibonga)

comments