Home » Entertainment » Pageant guru Jonas Gaffud book author na rin

Pageant guru Jonas Gaffud book author na rin

8jonas gaffud instagram copy

ISA ng ganap na author ng libro ang beauty pageant guru na si Jonas Gaffud matapos ihayag nito sa Instagram na lalabas na ang kanyang isinulat ngayong buwan ng Hunyo.

“Reading the manuscript. So excited for this. Never imagined that I’d have a book. Thank you ABS-CBN publishing.

Launching this month of June 2017 :-) This is for you, a beauty queen in the making,” ayon kay Gaffud sa kanyang post sa Instagram.

Ang title ng kanyang libro ay “The Crown: The Journey to be a Beauty Queen.”

Ipinagdiwang din ni Gaffud ang kanyang kaarawan noong May 26.

Sinabi rin nya na ang tatlong Miss Universe ng Pilipinas – Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973) and Pia Wurtzbach (2015) – ay magsasanib pwersa sa isang proyekto.

“Miss Universe winners Gloria, Pia and Margie. Sila ang Miss Universe ng buhay natin,” ayon kay Gaffud, head ng Aces and Queens beauty camp.

Dinagdag pa rin niya na sya na ang official agent ni Moran, ang pangalawang Miss Universe ng Pilipinas.

“I was just a fan. Now I’m her agent for a big project. Miss Universe 1973, Margie Moran,” ayon sa kanyang post sa IG.

Kasama rin ni Gaffud ang kanyang ibang talents sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Naroon din sila Miss World 2013 Megan Lynne Young, reigning Miss International Kylie Verzosa, Bb Pilipinas Supranational Chanel Olive Thomas, Bb Pilipinas International Mariel de Leon, at Bb Pilipinas Grand International Katarina Rodriguez.

“I was so happy last night these three gorgeous ladies attended my birthday party,” dagdag pa ni Gaffud habang kasama nya ang ibang beauty queen sa litrato.

comments