Home » Entertainment » Ryza, tatawid ba?

Ryza, tatawid ba?

MALAPIT nang mag-expire ang kontrata ni Ryza Cenon sa GMA7 at how true kaya ang balitang diumano’y nag-iinarte siya?

Ayon sa ilang sources, nagde-demand diumano si Ryza na gusto niya’y may co-manager na siya kapag nag-renew siya ng kontrata sa Kapuso Network.

Ayon sa ilang sources diumano, tila naimpluwensiyahan si Ryza ng boyfriend niyang si Cholo Barretto. Hindi naman daw dating ganoon ang attitude ni Ryza. Wala siyang reklamo sa pagma-manage sa kanyang career ng Kapuso Network. Never din siyang nag-reklamo kung kaibigan parati ng bida ang natotokang role sa kanya. Siya pa nga ang nagbansag sa sarili niya bilang Pambansang Kaibigan dahil parating kaibigan ng bidang babae ang role niya sa mga ginagawa niyang teleserye.

May panahong nabakante sa trabaho si Ryza, pero hindi siya nagreklamo sa GMA. Matiyaga pa rin siyang naghintay na mabigyan ng project.

Noong nabigyan siya ng magandang break sa “Ika-6 na Utos” at marami ang pumupuri sa kanyang acting, nagbago na siya, ayon sa ilang observers. Lumaki na diumano ang kanyang ulo.

Ayon naman sa ilang sources, hindi natitinag ang GMA kung may demand si Ryza bago siya pumirma ng panibagong kontrata. Hindi naman daw siya magiging kawalan saka-ling hindi maibigay ng network ang demand ni Ryza. Hindi sila ang tipong naghahabol sa mga nag-iinarteng talents nila.

Abang-abang na lang kung mana-natiling Kapuso si Ryza o mag-o-ober da bakod siya kapag hindi napagbigyan ng GMA ang kanyang demand.

comments