Home » Entertainment » Aktor, pa-fall

Aktor, pa-fall

ANO kaya ang naging saloobin ng isang starlet na inamin ng isang aktor na nagkaroon sila ng “something”? Kaya lang sinabi ng aktor na hindi nag-work ang kanilang relasyon dahil ayaw niyang paasahin ang starlet.

Hindi pa kasi fully recovered ang aktor sa break-up nila ng isang aktres na aniya, sobrang minahal niya. Akala siguro ng aktor, makakatulong sa pag-move on niya noong pormahan niya ang starlet and for a while ay naging “sila.”

Na-realize ng aktor, unfair sa starlet na paasahin niya ito na may patutunguhan ang kanilang relasyon. Unfair din sa sarili niya na hindi siya nagpapakatotoo sa nararamdaman niya para sa starlet. Kaya nag-desisyon siyang tapusin na lang ang kanilang relasyon.

Never naman inamin ng starlet na may “something” sila ng aktor. Ang press release niya, friends lang sila. Hindi rin siguro aaminin ng starlet na nasaktan siya sa pa-fall na aktor. Kumbaga, ginamit lang siya para palabasing naka-move on na ito sa break-up nila ng aktres na sobrang minahal ng aktor.

comments