Home » Entertainment » Gretchen Ho, hindi bilib sa Robi-Sandara affair

Gretchen Ho, hindi bilib sa Robi-Sandara affair

HINDI naniniwala ang athlete-television host na si Gretcten Ho na ang kanyang dating boyfriend na si Robi Domingo at si Sandara Park ay nagkaroon ng relasyon nung silang dalawa pa ang magkasintahan.

“My gut feel says hindi s’ya tutoo. I know Robi and I trusted him a lot. And I know he’s a good person. So I don’t think there’s anything that happened between them while we were together,” ayon kay Ho, sa isang panayam sa “Tonight With Boy Abunda” sa ABS CBN.

Napabalita noon na nagkahiwalay si Ho at Domingo dahil sa pagiging close ng boyfriend kay Park.

Itinanggi na rin ni Park na nagkaroon sila ng relasyon ni Domingo. Iginiit ni Park na magkaibigan lang talaga sila ni Domingo.

Nagbigay din ng pahayag si Ho ukol sa mga balita na nagalit di umano ang kanyang parents kay Domingo matapos silang mag-break.

“Medyo nagtatanong sila kung ano ang nangyari. Pero nung inexplain ko naman I think they are also with me sa proseso,” ayon kay Ho.

Nag-break sila Ho at Domingo noong Marso 1. Naging mag-sweethearts ang dalawa sa halos tatlong taon.

“I think what’s good with the both of us is that our families are close so there’s a lot of respect,” dagdag pa ni Ho.

Busy ngayon si Domingo bilang host ng “I Can Do That” sa ABS CBN samantalang si Ho ay active naman sa “Umagang Kay Ganda” at “ChinoyTV”.

comments