Home » Entertainment » Kris to shoot Hollywood film in Singapore

Kris to shoot Hollywood film in Singapore

LUMIPAD na patungong Singapore si Kris Aquino para sa shooting ng kanyang first Hollywood movie na hinihinalang may titulong “Crazy Rich Asians.”

Hanggang ngayon ay hindi pa rin inihahayag ni Aquino ang titulo ng kanyang pelikulang pang-Hollywood.

“Thank you for the assistance @singaporeair. Hand carrying my costumes w/ me. Thank you @michaelleyva_ & THE @michael5inco for truly making me gowns befitting a “princess” – yes, flying to fulfill a dream. SHOOTING this week in Singapore 🇸🇬. #ThankYouGod,” ayon kay Aquino sa kanyang post sa Instagram.

Sinabi rin ni Aquino na lumagda na sya ng kontrata para sa ginagawang pelikulang pang Hollywood.

“Sa Araw ng ating Kalayaan, nilagdaan ko na ang kasunduan para sa proyektong katuparan ng pangarap na maging bahagi ng isang ‘major Hollywood movie’ (pasensya na po, ang hirap hanapan ng Filipino translation),” dagdag ni Aquino.

Ang pelikulang “Crazy Rich Asians na hango sa best-selling novel ni Kevin Kwan ay nakasentro sa isang mayamang angkan sa Singapore. Ito ay idederehe ni Jon M. Chu, na sya ring direktor ng mga pelikulang “Step Up 2: All In” at “Now You See Me 2.”

Ilan sa mga Asians na lalabas sa nasabing pelikula ay sina Constance Wu, Henry Golding, Michelle Yeoh, Ken Jeong, atbp.

comments