Home » Entertainment » Singer, na-trauma sa US

Singer, na-trauma sa US

15liza n enrique instagram copy copy

KAHIT may solo movie na si Liza Soberano, hindi pa rin bubuwagin ang love team nila ni Enrique Gil. Ito’y ayon sa manager ni Liza na si Ogie Diaz.

Aniya, gagawa pa rin ng projects na magkasama sina Liza at Enrique. Super proud si Enrique na si Liza ang final choice para gumanap bilang bagong Darna.

Nagte-training na si Liza para sa action at fight scenes na gagawin niya sa pelikulang ididirek ni Erik Matti.

Inaabangan ang announcement ng Star Cinema sa kumpletong cast ng “Darna.”

Misteryoso

Nali-link ngayon sina Joseph Marco at Ria Atayde. Hindi naman pwedeng isiping pang-promo lang ito dahil hindi naman sila magkasama sa isang project. Wala pa naman kaming nabalitaang magkakatrabaho sila sa isang upcoming project.

Ayon sa ilang reporters na malapit kay Arjo, friends sina Joseph at Arjo na kapatid ni Ria. Sakali raw magkagustuhan sina Joseph at Ria, ano raw kaya ang magiging reaction ni Arjo? Pati ni Sylvia Sanchez na mommy nina Arjo at Ria.

Bilang isang kaibigan, kilala na ni Arjo si Joseph. Pwede niyang warningan si Ria kung may hindi siya nagugustuhan kay Joseph. Or pwede niyang “ilakad” si Joseph kay Ria kung aprub sa kanya na magkarelasyon if ever ang dalawa.

Ang impression ng ibang tao kay Joseph, tahimik, pero may kapilyuhang itinatago. Tipong mystery guy. Tama ba, Joseph?

Na-trauma

Na-trauma si Mark Bautista sa insidenteng nangyari sa kanya sa United States. Natitigilan siya kapag naaalala niya ang shooting incident na nasaksihan niya. Muntik-muntikanan na siyang tamaan ng bala sa pamamaril ng isang tao sa sinakyan niyang Uber car.

Hanggang katapusan pa ng June ang stint ni Mark sa musical stage play na “Here Lies Love.” Hindi pa siya makakabalik ng Pilipinas dahil gusto niyang magbaka-sakali sa iba pang posibleng oportunidad sa US.

Nanghinayang

Nanghinayang si Benjamin Alves na hindi niya kasama si Julie Anne San Jose sa Davao noong nag-taping siya para sa isang upcoming series niya sa GMA7.

Aniya, sana raw ay na-enjoy din ni Julie Anne ang magandang experience niya sa Davao. First time nakarating doon si Benjamin.

Gusto niya, kapag bumalik siya sa Davao ay kasama na niya si Julie Anne para mag-enjoy sila kapag nag-whitewater rafting sila.

comments