Home » Entertainment » Sharon, bungisngis ngunit emotera

Sharon, bungisngis ngunit emotera

1sharon instagram copy

SUKATAN ng pagiging isang mabait at mabuting amo ay ‘yung nagtatagal ang mga taong naninilbihan sa kanya. Tulad ni Sharon Cuneta, 10, 17 at 32 years na sa kanya ang personal assistant, masahista at driver-bodyguard niya.

Sinabi ito ng megastar sa “Gandang Gabi Vice.” Ani Sharon, ‘yung kanyang driver-bodyguard ay kay Gabby Concepcion.

Noong naghiwalay sila ay kinuha niya ito at sa kanya na nanilbihan.

Ang yaya Luring ni Sharon ay kinamatayan na ang pagiging yaya sa megastar. Mula pagka-baby, hanggang nagkaasawa, nagkaanak at nahiwalay si Sharon kay Gabby, kasama niya si yaya Luring. Noong napangasawa niya si Senator Kiko Pangilinan at nagkaanak sila, na kay Sharon pa rin si yaya Luring. Nagkaroon pa ito ng TV commercial, remember?

Saksi kami kung paano tratuhin ni Sharon ang mga kasambahay nila. Kasama ang ilang press colleagues ay naimbitahan kami noon sa bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna.

Hindi namin makalimutan ‘yung may ipinakuha siyang bagay sa isang kasambahay nila. Sa halip na tawagin ito, si Sharon pa ang lumapit at sa malumanay na boses, sinabi niyang “pakikuha naman ‘yung….” Kung sa ibang amo ‘yun, walang salitang paki, kundi “kunin mo nga…” ang litanya.

Clean living siya, ayon kay Sharon. Wala siyang bisyo. Hindi siya umiinom, hindi naninigarilyo at hindi nanlalalaki.

Mababaw lang siyang tao, aniya pa. Masayahin at parating nakabungisngis. Kaya nakakagulat ang mga emote niya sa social media kapag may pinagdaraanan siya.

Naba-bash

Naba-bash ng netizens si KC Concepcion dahil sa pagbili niya ng bagong kotse at bahay. Mabuti pa raw si Angel Locsin, nakapunta sa Iligan City at Marawi City para tulungan at kumustahin ang kalagayan ng mga naapektuhan ng kaguluhan doon.

Naturingan pa naman daw na ambassador si KC ng UN-WFP (United Nation-World Food Program).

Pinag-uusapan

Talk of the town ang primetime shows ng GMA7, “Mulawin vs. Ravena,” “My Love from the Star” at “Meant to Be.”

Magkakaiba ang tema ng mga ito, pero iisa ang layunin… makapagbigay ng aliw at kasiyahan sa Kapuso viewers.

“GMA Network holds its feat in creating quality, compelling and highly entertaining shows with relatable storylines about life and love,” ayon sa press statement ng network.

comments