Home » Entertainment » Cristine, na-depressed, nagkulong sa kuwarto

Cristine, na-depressed, nagkulong sa kuwarto

PALAISIPAN sa mga nakapanood ng “Magandang Buhay” ang sinabi ni Cristine Reyes na wala siyang matakbuhan o mapaghingahan ng sama ng loob noong natalo siya sa “I Can Do That.”

Si Wacky Kiray ang tinanghal na The Greatest Entertainer at nanalo ng P1-million cash prize.

Sinabi ni Cristine na hindi niya nakakausap ang kanyang mommy. Nagtatanong ang viewers kung may tampuhan ba silang mag-ina? At bakit daw hindi niya tinawagan ang kapatid niyang si Ara Mina o ang ibang kapatid niya para ihinga ang sama ng loob niya? Hindi raw ba siya sinuportahan ng mga ito?

Sabi ni Cristine, nag-message na lang siya sa kanyang mother-in-law. Wala ang husband niyang si Ali Khatibi dahil nasa United States. Hindi niya ito makontak. Sabi ni Cristine, nag-video na lang siya ng sarili niya na umiiyak siya at doon ibinuhos ang kanyang sama ng loob at sakit na naramdaman sa pagkatalo niya. Ipinadala niya ‘yun kay Ali.

Buwis-buhay si Cristine sa fire act na ginawa niya na marami ang humanga sa tapang at lakas ng loob niya. Aniya, ginawa niya ‘yun para may masabi siya sa anak niyang si Amarah paglaki nito.

Nagpakatotoo lang si Cristine nang sabihin niyang umasa siyang mananalo bilang The Greatest Entertainer. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya, kaya sobrang nalungkot at nasaktan siya noong natalo siya.

Pag-uwi niya ng bahay, bagsak siya, ayon kay Cristine. Nagkulong siya sa kuwarto. Sobrang nasaktan siya sa pagkatalo niya. Literally, umuwi siyang luhaan.

comments