Home » News » News Roundup » 2 motorbike riders patay sa shootout

2 motorbike riders patay sa shootout

By: Jean Fernando

Dalawang lalaking magkaangkas sa isang motorsiklo ang napatay nang makipagbarilan sa mga operatiba ng Las Piñas Police kahapon ng umaga.

Dead on the spot ang dalawang suspek dahil sa dami ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Inaalam pa ng police ang kanilang pangalan.

Base sa report na ipinadala ng Las Piñas City police kay Southern Police District (SPD) director Chief Supt. Tomas Apolinario, naganap ang insidente dakong 3:30 a.m. kahapon sa C-5 Extension, Manuyo Dos.

Ayon kay Senior Supt. Marion Balonglong, Las Piñas City police chief, nagsasagawa ang mga miyembro ng Tactical Motorcycle Riders Unit (TMRU) ng Las Piñas Police ng “Oplan Sita” operation nang mamataan nila ang mga suspek na nakamotorsiklo.

Binalewala ng mga suspek ang mga alagad ng batas kung kaya’t nagkaroon ng habulan.

Pinaputukan ng mga salarin ang mga humahabol na pulis na agad namang gumanti.

Nang matapos ang palitan ng putok, nakita ang dalawang suspek na duguang nakahandusay sa kalye.

Na-recover ng police sa crime scene and dalawang .38-caliber revolvers at tatlong plastic sachets ng shabu.

Patuloy na iniimbestigahan ng police ang insidente.

comments