Home » Entertainment » Aktor puno ng insecurity

Aktor puno ng insecurity

DESTINED na sumikat nang bonggang-bongga ang isang aktor. Baguhan pa lamang siya noon, pero kinainsekyuran na siya ng isang aktor na bini-build-up ng network na pinagtatrabahuhan nila.

Nabanggit noon ng aktor sa ilang kaibigang entertainment writers na pinagkukumpara sila ng baguhang aktor. May pahiwatig ang aktor na ayaw niya dahil mas matanda naman daw sa kanya ang baguhang aktor.

Produkto ng isang reality show si actor 1. Sunud-sunod ang TV shows niya noon. Si actor 2, na-bigyan ng pagkakataong maging leading man ng isang baguhang aktres sa launching project nito, hanggang naging love team sila.

Namamayagpag pa rin noon ang career ni actor 1. Papasikat naman si actor 2 hanggang bumongga nang todo ang career nito. Napag-iwanan si actor 1 na nananamlay ang career ngayon. How sad! Talagang weather-weather lang ang showbiz life.

comments