Home » Headlines » Buntis na call center agent pinatay ng BF

Buntis na call center agent pinatay ng BF

By: Jonathan Hicap

Magsasampa ang Muntinlupa Police ng kasong homicide at intentional abortion laban sa isang engineering student dahil sa pagkamatay ng buntis niyang live-in partner matapos niyang bugbugin.

Ayon kay Muntinlupa Police chief Senior Supt. Dante Novicio, na kakasuhan nila ang suspect na si Carl David Asehan, 19, ng San Lorenzo, Sta. Rosa City, na tumakas matapos niyang mapatay sa bugbog si Anna Cecilia Galicia, 19, isang call center agent.

Sinabi ng police na naganap ang insidente sa inuupahan nilang condominium unit sa Studio One sa Northgate Cyberzone, Alabang, Muntinlupa, noong June 20.

Napag-alaman na nagalit si Asehan nang hindi pumasok sa trabaho si Galicia dahil mayroon siyang karamdaman.

Nakita ng isang condominium guard si Galicia na walang malay kung kaya’t agad niya itong isinugod sa isang ospital sa Alabang kung saan siya binawian ng buhay. Ayon sa report, lima at kalahating buwang buntis ang biktima.

Pinaghahanap ng police ang suspect na isang third year civil engineering student sa Mapua University.

comments