Home » Entertainment » Assunta still hoping and praying for a baby

Assunta still hoping and praying for a baby

By Ruel J. Mendoza

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang aktres na si Assunta de Rossi na mabibiyayaan sila ng kanyang mister, former Congressman Jules Ledesma, ng sarili nilang anak.

Higit na labing-apat na taon nang mag-asawa sina Assunta at Jules, pero nananatiling pangarap pa rin ang hinihiling nilang baby.

Assunta de Rossi (Instagram)

Assunta de Rossi (Instagram)

Sa isang TV interview, inamin ng 36-year old actress na dumadaan siya ngayon sa isang espesyal na pagpapagamot para mabuntis siya.

“Kasi hindi naman na ‘ko bata, tapos ang dami ko na ngang problema physically, so kailangan ko siyang ayusin.

“Ang importante, puwede siyang maayos, it’s not too late,” diin pa ni Assunta.

Noon pa naman sinabi ni Assunta na siya ang may problema kaya hanggang ngayon ay wala pa silang anak ni Jules. Nagkaroon siya noon ng myoma, isang non-cancerous tumor sa kanyang uterus.

Si Jules ay may dalawang anak sa dati nitong asawa.

At kahit dumadaan sa pagpapagamot si Assunta, tuloy pa rin ang pagtanggap niya ng mga trabaho.

Ang latest niya ay ang GMA-7 teleserye na “Impostora” na pinagbibidahan ni Kris Bernal.

Huling napanood si Assunta sa teleserye na “Magkaibang Mundo”.

Sa “Impostora”, gaganap na mayaman na mataray si Assunta.

“Sabi ko, ‘Ay, mayaman naman for a change.’

“Kasi lagi akong mahirap. Sister in-law ako nu’ng character ni Kris na si Rosette.

“Bale ate ako ni Rafael Rosell, so meron kaming mga tarayan, hindi kami magkasundo kasi,” ngiti pa ni Assunta.

Tanggap naman daw ni Assuntana pang-ate, pang-tita or pang-nanay na lang ang mga roles niya.

“Oo naman, hindi na tayo choosy. Hindi na tayo bagets tulad noon, ‘di ba?

“I’m just happy na meron tayong trabaho at kinukuha pa rin tayo.

“Hindi ko na hangad ang magbida pa kasi tapos na ang panahon kong iyon. Happy ako supporting ang mga bagong artista ngayon,” pagtapos pa ni Assunta de Rossi.

comments