Home » News » News Roundup » 2 gunmen dedo sa police

2 gunmen dedo sa police

By: Vanne Elaine P. Terrazola

Patay ang dalawang nakamotorsiklong lalaki nang makipagbarilan sa mga pulis sa Quezon City noong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa police, hindi pa nakikilala ang mga napatay.

Base sa report ng pulisya, nagsasagawa ng checkpoint ang mga miyembro ng Batasan Police Station (PS-6) dakong 3:40 a.m. sa Molave Extension, Barangay Payatas, nang pahintuin nila ang tatlong motorsiklo na may dalawang riders bawat isa.

Sa halip na pumarada para sa inspection, isa sa mga backriders ang bumunot at nagpaputok ng baril habang patuloy na umarangkada ang grupo palayo sa checkpoint. Nauwi sa shootout ang habulan na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang suspek.

comments