Home » Entertainment » Spanky Manikan leaves teleserye for health reasons

Spanky Manikan leaves teleserye for health reasons

By: Ruel J. Mendoza

PINALITAN ang veteran actor na si Spanky Manikan sa kanyang role bilang si Mr. Jang sa primetime teleserye ng GMA-7 na “My Love From The Star.”

Health reasons ang dahilan kung bakit kinailangan palitan si Spanky sa naturang teleserye na pinagbibidahan nila Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.

Ang aktor na si Crispin Medina ang pumalit sa role ni Spanky bilang si Mr. Jang.

Kahit na labag sa kalooban ni Spanky na iwan niya ang naturang teleserye, ayaw naman ikompromiso ng production ang health ng veteran actor.

Kaya walang nagawa si Spanky kundi ang magpaalam sa buong cast at crew ng “My Love From The Star.”

Unang nalungkot sa pagkawala ni Spanky ay ang baguhang Kapuso aktor na si Gil Cuerva na gumaganap bilang si Matteo Domingo.

Halos lahat kasi ng eksena niya ay kasama niya si Spanky.

“I think working with Tito Spanky is one of the best things that can happen to a new actor such as myself.

“He’s a man with so much wisdom and being the newbie that I am, I was always looking for someone I could ask questions from, get advice from and he was the perfect person to give me a lot of advice, a lot of tips.

“Ultimately, he is really a great actor to have scenes with and even though the time we spent together wasn’t that much, he somehow has been a mentor to me when it comes to acting.

“Sir Spanky, get well soon, we miss you. And I hope that our paths will collide again in the future.”

Nalungkot din ang ibang stars ng teleserye tulad nila Jennylyn, Glydel Mercado at lalo na si Gabby Eigenmann.

“Tito Spanky, get well soon and I pray that you get better any time soon. Of course umaasa ako na makatrabaho pa rin kita and it’s always a joy to be working with you. Mahal ka namin,” diin pa ni Gabby.

comments