Home » Opinion » Pagpatay sa NBP inmate iimbestigahan

Pagpatay sa NBP inmate iimbestigahan

By: J. G. Damicog

Iniutos ni Justice Secretary Vilatiano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pagkamatay ng isang inmate sa New Bilibid Prison (NBP), Muntinlupa City.

Ginawa ni Aguirre ang hakbang matapos ang insidente ng pananaksak na nagresulta sa pagkamatay ng presong si Efren Ventura noong Lunes ng hapon.

Inatasan ni Aguirre si NBI Director Dante Gierran na bumuo ng isang investigation team na magsasagawa ng parallel fact-finding investigation sa stabbing incident na naganap dakong 4:45 p.m. noong Lunes sa loob ng NBP.

comments