Home » Entertainment » Aktres, iniwasan ang TV host

Aktres, iniwasan ang TV host

ININTRIGA ang hindi pagdalo ni Angel Locsin sa first Eddys Awards (Entertainment Editors Awards for Movies) ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors). Nanalo siya bilang best supporting actress para sa pelikulang “Everything About Her.”

May mga nag-isip na siguro raw ay iniwasan ni Angel ang ex-boyfriend niyang si Luis Manzano na host ng ginanap na awards night.

14Jennylyn-Mercado-and-Dennis-Trillo copy copy

Family matter na kailangan niyang ayusin ang dahilan ni Angel kaya hindi siya nakadalo. Pinasalamatan niya sa social media ang SPEEd, ang Star Cinema, production staff, direk Joyce Bernal, her co-actors sa “Everything About Her,” Xian Lim and Vilma Santos na ani Angel, “Nag-iisang Ms. Vilma Santos na walang kakupas-kupas.”

May tsikang nakarating sa amin na diumano’y libre naman si Angel nang gabing ‘yun. Wala raw kasing nagparamdam na posible siyang manalo, kaya hindi na lang siya dumalo.

Baka naman totoong biglang nagkaroon ng family matter, kaya hindi nakadalo si Angel? Well….whatever!

No show din

Nasa US vacation naman si Congresswoman Vilma Santos-Recto, kaya no show din siya sa Eddys Awards Night. Nanalo siyang best actress for “Everything About Her” at ang anak niyang si Luis Manzano ang tumanggap ng kanyang trophy.

Nagpasalamat si Cong. Vi sa SPEEd thru social media. Sa July 17 pa ang balik niya sa Pilipinas. Hindi siya inintriga na iniwasan lang niyang makita ang ex-husband niyang si Edu Manzano na host din ng gabing ‘yun.

Magkapamilya na

Magkapamilya na talaga ang turingan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Kapag lumalabas sila, kasama nila ang kanilang respective families. Bonding-bonding sila.

Super close na kay Dennis ang anak ni Jen na si Alex Jazz, gayun din ang anak ni Dennis na si Calix kay Jen. One happy family na sila.

May concert si Justin Bieber sa September 30 sa Philippine Arena at bumili na ng pitong VIP tickets si Dennis.

Ipinost ito ng “Mulawin vs. Ravena” star sa social media. For sure, kasama niya si Jen and their respective kids.

Sino pa kaya ‘yung tatlo?

Nag-post din si Dennis ng photos ng mga ibon. Nahihilig siya ngayon sa bird photography, maybe because taong ibon ang role niya sa MVR bilang Gabriel, Hari ng mga Ravena.

comments