Home » News » News Roundup » Suspect sa cop’s slay patay sa shootout

Suspect sa cop’s slay patay sa shootout

By: Jean Fernando

Isa sa mga suspek sa pagpatay sa isang parak at pagkasugat ng isang two-year-old boy noong Lunes ang napatay nang makipagbarilan sa mga pulis na umaaresto sa kaniyang kasapakat sa Taguig City Huwebes ng hapon.

Dead on the spot ang suspek na si Mark Angelo Punzal dahil sa dami ng balang tumama sa katawan, base sa police report.

Ayon kay Supt. Jenny Tecson, Southern Police District spokesperson, naganap ang shootout dakong 4:30 p.m. sa 234Compound, MLQ Street, Barangay Hagonoy, Taguig City.

Bago ang insidente, isang concerned citizen ang tumawag sa Taguig City police at nagsabing namataan sa Barangay Hagonoy si Alvin Salvador na siya mismong nakabaril at nakapatay kay PO1 Jovy Elchico at nakasugat sa two-year old boy na si Miguel Deinla.

Agad na ipinadala ni Senior Inspector Jonathan Mangoha ang kaniyang mga tauhan sa naturang lugar para i-serve ang warrant of arrest laban kay Salvador.

Ayon kay Tecson, pinaputukan ni Punzal ang mga pulis nang dumating para hulihin si Salvador.

Mabilis na gumanti ng putok si PO1 Aaron Dicang at tinamaan ng ilang beses si Punzal.

Sinabi ni Tecson na patuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente at hina-hunting si Salvador.

Na-recover ng police sa crime scene ang isang .38-caliber revolver na kargado ng apat na bala, dalawang basyo ng bala at mga sachet ng shabu.

Matatandaan na namatay si Elchico nang mabaril sa ulo habang nagsasagawa ng anti-criminality at anti-drugs operations ang mga operatiba ng Police Community Precinct 5 dakong 5:30 p.m. noong Lunes sa Manosca St., Barangay Calzada, Tipas, Taguig City.

comments