Home » News » News Roundup » Lolo, 70, nagbaril sa ulo

Lolo, 70, nagbaril sa ulo

By: Jaimie Rose R. Aberia

Patay ang isang 70-taong gulang ng lalaki nang magbaril sa ulo sa loob ng kaniyang bahay sa Sta. Cruz, Manila.

Kinilala ni PO1 Aaron John Nocum ng Manila Police District Station 3 ang biktima na si Rodrigo Maniti, residente ng Felix Huertas Street.

Ayon kay Kristy, anak ng biktima, nakarinig siya ng isang putok ng baril mula sa silid ni Rodrigo dakong 9:30 p.m.. Nang puntahan niya ang ama, nakita niyang duguan na ito.

Dead on arrival si Rodrigo sa Metropolitan Medical Center. Hindi pa nari-recover ng police ang baril na ginamit ng biktima sa pagpapakamatay.

Nag-iimbestiga pa ang police para malaman ang dahilan kung bakit nagbaril sa sarili ang biktima.

comments