Home » Entertainment » Aktres, nadismaya sa major network

Aktres, nadismaya sa major network

TWO years ang kontrata ng isang aktres sa isang major network. Umasa siyang may magandang mangyayari sa kanyang career sa kanyang comeback sa showbiz.

Matagal-tagal ding namahinga ang aktres dahil may matindi siyang pinagdaanan sa kanyang personal life.

Noong naka-recover na siya, nag-desisyon siyang bumalik sa showbiz. Muli naman siyang binigyan ng pagkakataon ng isang major network. Pinapirma siya ng two-year contract.

But to her dismay, pinaasa lang pala siya ng network. Lumipas ang isang taon sa kanyang kontrata, wala pa rin siyang project. “Nganga” pa rin ang aktres, kaya nag-desisyon siyang magpaalam at umalis na lang sa network.

Lumipat siya sa kalabang network at doon siya nabigyan ng magandang exposure. Isinama siya sa isang malaking project.

May mga TV guesting pa ang aktres.

Aniya, masaya siya, komportable at masarap magtrabaho sa network kahit wala siyang kontrata. Nararamdaman niya ang importansiyang ibinibigay sa kanya. “Dito na lang ako. Ayoko na du’n sa kabila (rival network),” anang aktres.

comments