Home » Entertainment » Glaiza linked to Korean

Glaiza linked to Korean

By GLEN P. SIBONGA

INUSISA namin si Glaiza de Castro tungkol sa diumano’y nali-link sa kanyang isang Korean cutie na may handle name sa Instagram na @zillion_dollar_baby. Nakalagay sa IG nito na Hanjun ang name nito at isa itong music producer, rapper, at model sa Korea.

19glaiza instagram copy

Nakasama pa ni Glaiza ang Koreano nang magpunta ang Kapuso actress sa South Korea noong Hunyo. Patunay nito ang ipinost na picture ni Glaiza sa IG kasama si Hanjun at iba pa nilang kaibigan.

“Kaibigan ko iyon. Kinita ko lang siya noong nandoon ako sa Korea. Ang pangalan niya si Hanjun. Ba-gets pa iyon, 26.

E mas matanda ako e,” natatawang sabi ni Glaiza nang makausap naming siya sa presscon ng Yes! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars 2017, kungsaan napabilang siya sa kategoryang Prime Players.

Na-appreciate nga raw ni Glaiza ang effort ni Hanjun noong nasa Korea siya. “Nasa military kasi siya ngayon. So, noong nalaman niya na nandoon ako, buti na lang mayroon siyang leave, kasi binibigyan din sila ng pahinga every weekend.”

Paano niya nakilala si Hanjun? “Last year kasi March, nag-shoot kami ng trailer sa Korea, personal project siya ng kaibigan ko. Itong friend ko na ito mahilig talaga siya sa Korean culture. Gumawa nga siya ng sarili niyang project tapos sinama niya ako sa Korea. Tapos si Hanjun kasama siya sa cast, nakasama ko siya sa eksena. So, since then nagme-message na, nag-follow-an na sa Instagram. Tapos noong nakita niya na nasa Korea ulit ako, sabi niya, ‘Let’s meet up.’ So, second time yun na nagkita kami ulit.”

Gusto rin daw bumisita ni Hanjun sa Pilipinas.

Sa ngayon, magkaibigan lang daw sila ni Hanjun. Single daw ito at kabe-break lang sa girlfriend.

Hanggang ngayon daw ay hinihintay pa ni Glaiza ang kanyang Mr. Right.

Swak nga raw ang situwasyon ng puso niya ngayon sa carrier single niyang “Sinta,” na nakapaloob sa kanyang bagong album titled “Magandang Simula” co-produced niya with Poly East Records.

comments