Home » Entertainment » Regine, nahihirapan nang kumanta

Regine, nahihirapan nang kumanta

SA estado niya ngayon bilang isang singer-actress, wala nang mahihiling pa si Regine Velasquez. Ang dami na niyang accomplishments. Ang dami na niyang achievements. Sobra-sobra na ang mga karangalang natamo niya na maipagmamalaki talaga niya ang narating ng kanyang career.

23Regine Velasquez mulawin vs ravena copy copy

“Fulfilled na ako. Sobra-sobra na ang ibinigay ni Lord sa akin. Sobrang blessed na ako,” pahayag ng Asia’s Songbird sa pakikipag-usap sa kanya sa taping ng “Mulawin vs. Ravena.”

Sino sa palagay niya ang pwedeng maging next Regine Velasquez? Aniya, hindi siya naniniwala na pwedeng magkaroon ng kasunod niya. “Each individual is different. You have to make your own mark. Nakikita ko si Sarah Geronimo. She’s making her own mark,” ani Regine.

Inamin niyang hindi na niya panahon ngayon, pati ang asawa niyang si Ogie Alcasid. Marami nang baguhang singers na magagaling at gumagawa ng kani-kanilang pa-ngalan.

“Hindi na kami uso nga-yon. Makunat na. Ma-dyonders (matanda) na. Nag-enjoy na kami noon. But then, we still feel very blessed. Nakakapag-work pa kami. May mga follower pa rin naman. Maraming young stars ang nai-inspire sa buhay namin,” saad ni Regine.

Aniya pa, nakakaramdam na siya ng insecurities. “It’s getting harder to sing. But I’m more passionate sa work ngayon,” she said. Dati raw kasi noong kabataan pa niya, parang hindi niya sineseryoso ang pagkanta.

Ayon pa kay Regine, more on herself ang insecurities niya ngayon. Nai-insecure siya sa age niya na aniya, normal lang sa mga tumatanda. She’s 46 (or 47?) years old. Nai-insecure siya kapag nakikita niya ang wrinkles sa mukha niya.
“Nai-insecure ako sa laki ng boobs ko (laughs),” pagtatapos ng star ng “Mulawin vs. Ravena.”

comments