Home » Entertainment » Newbie actress Mikee Quintos focused on being an architect

Newbie actress Mikee Quintos focused on being an architect

By RUEL J. MENDOZA

MALUNGKOT na inamin ng baguhang Kapuso actress na si Mikee Quintos na nag-break na sila ng kanyang boyfriend, ang member ng boyband na To The T.O.P. ng GMA-7 na si Louie Pedroso.

Three years din daw silang nagkaroon ng relasyon.

“Wala pa kaming pareho ni Louie sa showbiz, best friends na kami.

“Pero dumarating din pala ang time na kailangan na ninyo ng space sa isa’t isa.

“For three years, lagi kaming magkasama. Makikita naman ‘yan sa mga social media accounts namin.

“Kahit wala na kami, he will still be my best friend,” diin pa ni Mikee.

Wala raw ini-entertain na manliligaw si Mikee dahil gusto nitong mag-concentrate sa kanyang career at sa kanyang pag-aaral.

Kasalukuyang nasa third year na siya ng kanyang kursong Architecture sa University of Santo Tomas.

“Pinagsasabay ko po ang school at showbiz. Medyo mahirap po, pero I really try my best na magawa ko pareho.

“Especially noong time ng ‘Encantadia,’ I was juggling between tapings and school work.

“Ayoko naman pong mag-stop kasi mawawala po ‘yung momentum ko sa pag-aaral. Kaya tiyaga lang po at nagagawa ko naman po, sa awa ng Diyos,” ngiti pa ni Mikee.

Five years ang kursong Architecture at sa last year nito, plano ni Mikee na mag-leave muna sa showbiz para mas tumutok siya sa kurso niya.

“Sa last year ng course ko, I want to focus lang sa pag-aaral ko. Kung kailangan ko munang magpaalam sa showbiz to concentrate on my studies, gagawin ko po.

“I want to graduate and be the best architect that I can be.

“Willing po akong to sacrifice my career in showbiz in exchange for a college diploma,” pagtapos pa ni Mikee Quintos na isa sa nakapasok sa 2017 100 Beautiful Stars ng YES! Magazine.

comments