Home » Entertainment » 2 aktres, iwas pag-usapan ang lovelife

2 aktres, iwas pag-usapan ang lovelife

ITINANGGI ni Ruru Madrid na nanliligaw siya kay Maureen Wroblewitz, winner ng Asia’s Next Top Model 2017. Crush lang daw niya ito. Ani Ruru, mahirap ligawan si Maureen dahil super busy ito.

Nagpa-picture lang ang Kapuso actor kay Maureen noong nag-guest ito sa isang GMA show. ‘Yun lang ‘yun!

27barbie instagram copy copy

Lungkut-lungkutan naman si Ruru na pinaghiwalay na ang love team nila ni Gabbi Garcia. Isinama siya sa cast ng “Alyas Robinhood 2.” Wala pang balita kung ano naman ang bagong show ni Gabbi sa GMA matapos silang magkasama ni Ruru sa “Encantadia.”

By the way, paalis si Gabbi sa July 29 papuntang Nice, France. May photoshoot siya para sa magazine cover ng Mega Style.

Avant-garde ang theme ng shoot at international brands ang mga damit na ipapasuot sa kanya, kaya sobrang excited si Gabbi.

Bawal

Sa event ng isang magazine last year ay kilig-kiligan si Barbie Forteza magsalita tungkol sa relasyon nila ni Kiko Estrada. Sa same event ng naturang magazine this year, tikom ang bibig ni Barbie tungkol sa relasyon nila ni Jak Roberto.

Baka nga pinagbawalan si Barbie magsalita tungkol sa kanila ni Jak. Hindi niya diretsong masagot kung “sila” nga.

Basta sa bilang ni Barbie, masaya ang lovelife niya ngayon.

Sinabi pa niya sa isang reporter na hindi pwedeng makita silang magkasama ni Jak on-camera. May ganu’n?

Turning 20 si Barbie on July 31, pero wala siyang bonggang birthday celebration. Magro-road trip lang sila ng kanyang pamilya and some close friends.

This August, US-bound si Barbie for a two-week vacation. Dadalawin niya ang sister niyang naka-base sa Chicago.

Pinagbawalan din?

May (o mga) nagbabawal din kaya kay Julia Montes na aminin ang relasyon nila ni Coco Martin? Dinadaan lang ni Julia sa ngiti kapag tinatanong siya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Coco.

Noong nag-guest si Julia sa “Magandang Buhay,” panay ang iwas niya, lalo na nang tanungin siya tungkol sa bonding nila ng mommy ni Coco sa Hong Kong.

Sa mga interbyu kay Coco, inaamin naman niyang very special sa kanya si Julia. Baka siya lang ang hinihintay ni Julia na maunang umamin na officially together sila? Alangan namang ladies first, di ba?

comments