Home » News » News Roundup » Pedicab driver itinumba

Pedicab driver itinumba

By: Analou de Vera

Patay ang isang pedicab driver nang pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong lalaki habang nagpapahinga sa loob ng kaniyang sidecar sa Tondo, Manila, Martes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Ronald Martinez, 33, residente ng Romana Street, Tondo.

Base sa initial investigation, nagpapahinga si Martinez sa loob ng kaniyang pedicab na nakaparada sa J.P. Rizal Avenue corner Simoun Street nang biglang lumitaw ang mga salarin sa kaniyang harapan.

Isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at pinaputukan si Martinez.

Dead on the spot ang biktima habang tumakas naman ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungong Jacinto Street.

Tinangka ng concerned citizens na habulin ang mga suspek ngunit nabigo silang abutan ang mga iyon.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo ng pagpatay.

comments