Home » Headlines » Cop huli sa pangongotong

Cop huli sa pangongotong

By: Francis T. Wakefield

Isang pulis Maynila ang ikinulong sa Camp Crame, Quezon City, dahil sa pangongotong sa mga bus operators sa Lawton, Manila.

Ayon kay Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) commander Senior Supt. Chiquito Malayo, laglag sa kanilang entrapment operation kahapon si Police Officer 2 Joseph T. Buan, naka-assign sa Traffic Section ng Manila Police District (MPD).

Dinakip si Buan nang tanggapin niya ang marked money sa Lawton dakong 12:30 p.m. kahapon.

Sinabi ni Malayo na isinagawa ang operasyon base sa information at reklamong nakarating sa kaniyang opisina na dalawang miyembro ng MPD ang nangongotong sa bus operators tuwing Biyernes sa Liwasang Bonifacio, Lawton, Manila.

comments