Home » Headlines » Kagawad binaril sa ulo

Kagawad binaril sa ulo

NI: Jaimie Rose R. Aberia

Patay ang isang barangay kagawad na contractor din ng Manila Electric Company (Meralco) nang barilin ng isang hindi kilalang lalaki habang tumutulong sa pagkakabit ng electric line sa tapat ng isang basketball court sa Tondo, Manila, noong Linggo.

Dead on the spot si Barangay Kagawad Eduardo Arcilla, 46, ng Barangay 14 dahil sa isang tama ng bala sa ulo.

Patuloy pang nag-iimbestiga ang police para makilala ang suspek at malaman ang motibo sa likod ng pagpatay.

Ayon kay PO3 Ryan Jay Balagtas ng Manila Police District Crimes Against Persons Investigation Section, naganap ang insidente dakong 12:35 p.m. sa tapat ng basketball court sa Gate 20, Area H, Parola Compound, habang tinutulungan ng biktima ang isang tauhan ng Meralco sa pagkakabit ng kawad ng kuryente.

comments