Home » News » News Roundup » 1 patay sa motorcycle crash

1 patay sa motorcycle crash

By: Jel Santos

Isang lalaki ang nasawi habang sugatan naman ang kaniyang kaibigan matapos na sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang glass shop sa Valenzuela City noong Martes ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Ronaldo Mendoza, Valenzuela Police chief, ang nasawi na si Jay Pacheco, 23, ng Paso de Blas, Valenzuela.

Kasalukuyan inoobserbahan sa Valenzuela Medical Center ang kaniyang kaibigan na si Caled Martinez, 21, dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Base sa investigation, magka-angkas ang dalawang biktima sa isang motorsiklo dakong 11 p.m. nang mawalan ng control si Pacheco sa sasakyan habang binabagtas ang kahabaan ng Maysan Road, Barangay Maysan.

Ayon sa isang witness, sumalpok ang motorsiklo ng mga biktima sa Bulaklakan glass shop. Agad na isinugod ng Valenzuela City rescue team ang dalawang biktima sa ospital kung saan idineklarang dead on arrival si Pacheco.

comments