Home » Headlines » Trike driver patay sa pamamaril

Trike driver patay sa pamamaril

By: Analou de Vera

Patay ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang isa pa nang pagbabarilin ng apat na nakamotorsiklong kalalakihan sa Sampaloc, Manila, noong Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot si Verjer Barroga, 24, matapos barilin sa ulo at katawan habang nagpapagaling naman ang isa pang biktima na si Junilo Dee, 39, sa Ospital ng Maynila dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa police, nakatayo ang dalawang biktima sa Mindanao St. malapit sa Visayan St. dakong 7:30 p.m. nang biglang dumating ang apat na hindi kilalang lalaki sakay ng dalawang motorsiklo.

Isa sa mga suspek ang bumaba sa motorsiklo at pinaulanan ng bala ang mga biktima.

Patay agad si Barroga sa kalye habang nakatakbo naman si Dee, bagamat sugatan, at nakahingi ng tulong sa maga kamag-anak.

comments