Home » Entertainment » Mag-BFF na aktres, iniintriga

Mag-BFF na aktres, iniintriga

NAKAKADALAWANG boyfriend na si young actress 1 na BFF ni young actress 2. Nakaisa pa lang si YA2. Three years nang single si YA2 since nag-break sila ng unang boyfriend na young actor na karelasyon ngayon ng isang young actress.

Madaling naka-move-on si YA1 sa break-up nila ng unang BF na young actor. Three months or so lang tumagal ang kanilang relasyon.

Wish ni YA1 na magtagal ang relasyon nila ng second boyfie niya na young actor.

Mas daring si YA1 kesa kay YA2. Nakipag-kissing scene na si YA1 sa isang TV series at nag-two-piece swimwear pa. Si YA2, pa-sweet pa na aniya, hindi pa niya kayang makipag-kissing scene. Pero nakapag-two-piece swimwear na rin siya na naipost sa social media.

May mga nang-iintriga sa dalawang young actress kung sino sa kanila ang mas maganda, mas sikat, mas magaling umarte.

‘Buti na lang, hindi sila nagpapaapekto. Nananatili ang maganda nilang friendship. BFF (Best Friends Forever) sila.

Walang inggit factor.

comments