Home » Sports » Silip » Lakan is top bet

Lakan is top bet

Para sa masugid na bayang karerista all roads lead to the Metro Turf in Malvar Tanuan City, Batangas City and/or their favorite OTB station para masaksihan ang mga hinahangaan nilang mananakbong tatakbo this afternoon.

Una na rito ay ang 5 entries namely Heiress Of Hope, Lakan, Messi, Manalig Ka at Blue Berry na magpapanagupa sa tampok na P500,000, 4th Leg 4YO Local and Above Stakes Race.

Itatakbo sa distansiyang 1,600 Meters or 1 Mile, ang magwawagi rito ay tatanggap ng premyong P300,000 at P112,500, P62,500 at P25,000 naman for the second thru the 4th placers, respectively.

May 13 Races tayo this Sunday na kinapapalooban ng 3 sets ng mas popular na Winner-Take-All, ganitong bilang rin ng Pick-5 at 2 sets each naman ng Pick-6 at Pick-4 events.

Races start at 2:00 P.M. so be there kung nais ninyo “sumali” sa 1st set ng WTA covering Races 1 to 7.

Bukod sa tampok na karera, all Races this Sunday ay may guaranteed prize of P120,000 to the winner only, Once again, Race 1 starts at 2:00 P.M.
Sa mga di nakadalo sa pakarera ng Santa Ana kahapon (Friday) ang mga WTA ay nagbigay ng P208.00, ang Pick-6 ay P144.00, ang Pick-5 ay P38.60 at ang Pick-4 ay P13.00.

Nagsipanalo rito from Races 1 to 7, ayon sa pagkakasunod-sunod ay ang Anaffairtoremember, Amiga, Hello Gorgeous, Rocking Hill, Smart Tyler, Caravaggio at Prince Lao or combinations 7-1-7-2-4-1-10.

Ang PCSO National Grand Derby ay gaganapin na sa August 20 exclusive ito para sa mga 3 and 4 year old PCSO Maiden Race runners at gaganapin sa Philippine Club.

So there….see you guys at our favorite Samson’s Billiard OTB at Saint Joseph and/or at Obet dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick, Cainta.

Good Luck!!!

comments