Home » Headlines » Beautician patay sa sipa ng kainuman

Beautician patay sa sipa ng kainuman

By: Alexandria Dennise San Juan

Patay ang isang beautician matapos sipain sa dibdib ng kaniyang kainuman sa isang party na kanilang dinaluhan sa Novaliches, Quezon City, Linggo ng gabi.

Base sa police initial investigation, dumalo ang biktimang si Michael Ong, 36, at ang dalawang suspek na sina Daniel Rey Wiggins, 20, at Maria Jesusa Zamora, sa birthday party ng kanilang kaibigan sa Kingspoint Subdivision sa Barangay Bagbag.

Ayon kay Investigator Marvin Masangkay, nag-iinuman ang tatlo nang biglang maghalikan sina Wiggins at Zamora, dahilan para paalalahanan ng biktima na nakikita ng mga bata ang kanilang ginagawa. Matapos marinig ang sinabi ni Ong, nilapitan siya ni Wiggins at nagtalo sila.

Sa kainitan ng kanilang confrontation, sinipa ni Wiggins ang biktima sa dibdib na naging dahilan para matumba ang huli at mawalan ng malay.

Pinagsusuntok din nina Wiggins at Zamora ang kanilang mga kasama na umaawat sa kanila, ayon sa police report.
Dead on arrival si Ong sa Pacific Global Hospital.

Pinaghahanap ng police sina Wiggins at Zamora.

comments