Home » Entertainment » 2 Kapuso stars, nagkaiyakan

2 Kapuso stars, nagkaiyakan

KINUMPIRMA ni Thea Tolentino sa isang nakausap na reporter na break na sila ni Mikoy Morales. Sinang-ayunan ng “Haplos” star ang sinabi ni Mikoy na mutual decision nila ang maghiwalay.

Ayon kay Thea, wala naman silang intensiyon maghiwalay. Napag-usapan lang nila ni Mikoy ang mga gusto pa nilang gawin para sa kanilang respective careers, na gusto nilang mag-grow individually, hanggang napagdesisyunan nila pareho na mag-break.

16heart instagram copy

Ani Thea, umiyak sila pareho ni Mikoy sa kanilang desisyon. Pero no regrets dahil para raw sa ikabubuti ng kanilang respective careers and their individual growths ‘yun.

Ayon pa sa “Haplos” star, walang falling-out of love, wala silang pinag-awayan, no third party at mahal pa rin niya si Mikoy. Bahala na raw kung ano’ng mangyayari in the future.

Thea turned 23 on August 13 na first time niya nag-celebrate na break sila ni Mikoy sa four years nila together. Pero friends pa rin sila.

Apela

Umaapela ang fans ni Derrick Monasterio. Sana raw ay tulad ng costume ni Kiko Estrada sa “Mulawin Vs. Ravena” na labas ang tiyan nito ang costume ni Derrick. Mas hot at sexy daw ang dating ni Kiko.

Tago kasi ang tiyan at hindi kita ang abs ni Derrick, kaya nabawasan ang appeal niya sa kanyang costume. Ayon pa sa fans, may K (karapatan) naman si Derrick dahil kinarir din niya ang magka-abs.

Pati acting ng dalawang MVR stars, pinagtatalunan kung sino kina Derrick at Kiko ang mas magaling. Parehong artista ang mga magulang nila. Ang former actress na si Tina Monasterio ang mommy ni Derrick. Sina Gary Estrada at Cheska Diaz naman ang parents ni Kiko.

Cold

Bukod kay Alexander Lee na leading man ni Heart Evangelista sa “My Korean Jagiya,” isa pang Korean actor, si David Kim, a.k.a. Kim Jungwook ang natutuwa at kasundung-kasundo si Heart.

Ani David, akala raw niya noong una’y “cold” si Heart. Nagkakilala sila sa location shooting at nag-picture-taking pa sila. “At first, I thought she’s a little bit cold. But she’s actually very warmhearted and kind. We get along well,” ani David.

Lumabas siya sa Korean series na “Irish 2” at “The King is in Love.” MKJ premieres on August 21 sa GMA Telebabad.

comments