Home » News » News Roundup » Chinese man binaril

Chinese man binaril

BY: Analou de Vera

Patay ang isang Chinese national nang pagbabarilin ng tatlong nakamotorsiklong lalaki sa Tondo, Manila, Huwebes ng gabi.

Binawian ng buhay si Willy Liu Co, 36, habang ginagamot sa Metropolitan Hospital dahil sa dami ng tama ng bala sa ulo at katawan.

Base sa police report, naganap ang insidente sa tapat ng isang building sa Antonio Rivera Street, Barangay 241, Zone 22, dakong 7:10 p.m.

Ayon sa police, kabababa lang ni Co mula sa kaniyang gray Toyota Fortuner (NOE-809) nang biglang dumating ang tatlong gunmen sakay ng dalawang motorsiklo at pinaulanan siya ng bala.

Mabilis na tumakas patungong Antonio Rivera Street ang mga suspek na nakasuot ng face masks at hood jackets.

comments