Home » News » News Roundup » 60 pamilya nawalan ng bahay sa QC fire

60 pamilya nawalan ng bahay sa QC fire

By: Alexander Dennise San Juan

Isa ang nasaktan habang nasa 60 pamilya ang nawalan ng tirahan nang sumiklab ang sunog sa isang squatters area sa Barangay Old Capitol Site, Quezon City, sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan noong Sabado ng gabi.

Kinalala ni Senior Supt. Manuel Manuel ng Bureau of Fire Protection-Quezon City ang nasugatan na si Aljon Paul Beseño.

Nagtamo ang biktima ng second degree burns sa kanang braso at likod. Ayon kay Manuel, nagsimula ang apoy sa second floor ng isang two-storey residential site na pag-aari ni Elias Martinez sa Lerio Street dakong 10:25 p.m.

Umabot ang sunog sa fourth alarm at mabilis na nadamay ang 35 pang kabahayan na yari sa light materials.

comments