Home » Headlines » Holdup suspect patay sa shootout

Holdup suspect patay sa shootout

By: Jean Fernando

Patay ang isa umanong kilabot na holdaper nang maka-engkwentro ang mga miyembro ng Pasay City Police Community Precinct (PCP) 7 sa Makati City, Huwebes ng gabi. Sugatan ang isang pulis sa naturang insidente.

Ayon kay Southern Police District (SPD) director Chief Supt. Tomas Apolinario, ang napatay na suspek ay nakilala lamang sa alias na “Allan”. Dead on the spot siya dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Kasalakuyang namang nagpapagaling sa Pasay City General Hospital si PO2 Jubail na tinamaan ng bala sa tiyan.

Sinabi ni Apolinario na naganap ang shootout dakong 8:30 p.m. sa Magallanes flyover, Makati City.

comments