Home » News » News Roundup » Cop dedo sa motorbike-dump truck crash

Cop dedo sa motorbike-dump truck crash

By: Alexandria Dennise San Juan

Patay ang isang police officer matapos sumalpok ang minamaneho niyang motorcyle sa isang dump truck habang papauwi sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City, noong Sabado.

Ayon sa report ng Quezon City Police District Traffic Sector 5, nasawi si PO1 Phillip Christian Ramos, 32, dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Napag-alaman na sakay si Ramos ng kaniyang motorsiklo nang bumbanga sa kasalubong na dump truck (RCD-992) na minamaneho ni Renato Mayor sa Payatas Road dakong 8:30 p.m.

Dead on arrival si Ramos sa ospital.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad si Mayor matapos ang aksidente. Kakasuhan siya ng reckless imprudence resulting in homicide and damage to property, ayon sa police.

comments