Home » Entertainment » Chynna, naloka sa paghahanap ng bahay

Chynna, naloka sa paghahanap ng bahay

SA Marikina City nakatira ang mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza. Dahil sa matinding traffic na dinaranas nila kapag nagpupunta sila sa Quezon City at pagbalik nila sa Marikina, gusto nilang lumipat ng bahay.

30Chynna Ortaleza1 copy copy

Noong dalaga pa si Chynna ay sa New Manila, QC sila nakatira ng parents niya. Walang matinding traffic siyangnararanasankapag may pinupuntahansiya.

Gusto sanang sa New Manila rin sila lumipat ni Kean, kaya naghanap sila ng bahay o townhouse roon. Pero naloka si Chynna sa presyo ng mga bahay o townhouse na tiningnan nila. Twenty-five million pesos, pataas ang halaga. Meron pa raw R79 million na talagang ikinaloka niya. Naghanap din sila sa Tomas Morato, QC area. Pero grabeng mahal din.

“Magtitiis na lang muna kami sa bahay naming sa Marikina,” sabi ni Chynna nang nakausap naming sa taping ng “Mulawin vs. Ravena.” Comeback project niya ito sa GMA after two years. Nag-asawa’t nagka-anak siya na one year and three months na ngayon ang baby nila ni Kean na si Stellar.

“Sobrang bait ng GMA na hindi dinisolve ang contract ko with them. Sinabihan nila ako na tawagan ko lang sila kapag handa na ako magtrabaho. Nagkaroon ako ng separation anxiety dahil naiiwan ko ang baby ko. Almost four months din ‘yun,” ani Chynna who plays Rashana in “Mulawin vs. Ravena.”

comments