Home » News » News Roundup » Teenager binaril sa Caloocan City

Teenager binaril sa Caloocan City

By: Kate Louise B. Javier

Isang 17-taong gulang na binatilyo ang binaril at napatay ng hindi kilalang salarin habang naglalakad pauwi ng bahay kasama ang kaniyang mga kaibigan sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Chief Inspector Ilustre Mendoza, Caloocan City Police officer-in-charge, ang napatay na si Rolan Iligan, 17, out-of-school youth, ng 98 Bulacan Street, Barangay 148, Bagong Barrio, Caloocan City.

Lumabas sa investigation na masayang naglalakad si Iligan pauwi kasama ang kaniyang mga kaibigan nang biglang dumating ang mga suspek at isa sa kanila ang bumaril sa biktima gamit ang isang sumpak sa Kaganapan Street, Barangay 150, Bagong Barrio, Caloocan City, dakong 3 a.m.

Isinugod sai Iligan sa Manila Central University (MCU) Hospital ngunit namatay siya habang inooperahan.

comments