Home » Entertainment » Derrick at Bea, maghihiwalay na

Derrick at Bea, maghihiwalay na

LAST two weeks na lang ang “Mulawin vs. Ravena” at habang nalalapit ang pagtatapos nito, lungkut-lungkutan ang cast.

Ani Dennis Trillo na gumaganap bilang Gabriel, grateful siya na nakatrabaho niya ang mga talented at professional artists. Mami-miss niya ang samahan nila at ang taping days nila.

5dennis n derrick copy copy

For three and a half months silang magkakasama sa taping na anang Kapuso actor, parang pamilya na ang turingan nila.

“Masaya ako na iba’t-ibang henerasyon ang nakatrabaho ko. Masuwerte ako na parati silang prepared sa set at nakita ko ang passion nila sa kanilang craft, kung gaano sila ka-proud. Kahit magtatapos na ang fantaserye, ‘yung mga ginawa namin, ‘yung na-achieve namin, napasaya namin ang maraming tao, masaya na kami du’n,” pahayag ni Dennis.

Maghihiwalay na

Lungkut-lungkutan din si Derrick Monasterio na gumaganap bilang Almiro sa “Mulawin vs. Ravena.” Aniya, nakakataba ng puso na nakikita nila sa Twitter at sa social media na talagang sinusubaybayan ang istorya ng MVR at naaapektuhan sa kanilang characters.

“Nalulungkot ako dahil matatapos na ang MVR. Pero masaya dahil sinubaybayan ang aming fantaserye,” ani Derrick.

Samantala, hindi dapat palampasin ang mga umiigting na kaganapan sa MVR. Sanib-puwersa sina Gabriel at Almiro sa pagpuksa sa halimaw na anak nina Magindara (Lovi Poe) at Siklab (Dion Ignacio).

Kaabang-abang din ang namumuong pag-iibigan nina Almiro at Anya (Bea Binene). Tanong ng kanilang fans, magkaroon kaya sila ng kissing scene? How true, huling tambalan na nina Derrick at Bea ang MVR? Diumano, sa next project nila’y ipapareha sila sa ibang Kapuso stars.

Natuwa

Nakakita ng pag-asa ang fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na baka matuloy na rin ang reunion movie ng ex-couple.

Sobrang naappreciate ni Sharon ang ipinadalang durian ni Gabby sakanya. Galing kaya sa Davao si ex-hubby?

Pinasalamatan ni Sharon sa social media ang kanyang ex-husband. Hindi nga lang nakain ni Sharon ang durian dahil aniya, mukhang nabubulok na. Mukhang natagalan bago nakarating kay Sharon ang durian.

Nevertheless, natuwa ang megastar sa effort ni Gabby na padalhan siya ng durian. Bakit kaya? Peace offering kaya ‘yun dahil naudlot ang kanilang reunion movie? Looking forward pa rin si Sharon na matuloy ‘yun alang-alang sa kanilang fans.

comments